Silang Kinalimutan - (Taong Grasa)

cradle(49)
Published in
#life
Words
350
Reading
2 min
Listen
Play
8y

Magandang araw mga kabayan at ka steemyans! Nais ko lamang ibahagi ang aking orihinal na kathang tula, sana ay inyong maibigan.


people-1550501__480.jpg

Image Source

Hindi ko maiwasan ang mapalingon sa tuwing akin silang nadaraanan, Napapatanong sa sarili, anu nga ba ang dahilan ba't sila nagkaganyan? Malimit ko silang makita na nasa lansangan! Nakahiga, nakaupo, tumatawa at nakayapak, habang naglalakad sa tabi ng daan.

Bata o matanda ang madalas na apektado ito ba ay dahil sa lumalalang kahirapan sa ating estado? Iniiwasan ng karamihan dahil sa kaanyuan, may di kaaya-ayang amoy, Marungis, at nang-gigitata ang katawan. Sa pagkalam ng sikmura sinubukang mang-limos, umaasa baka sakaling may mapala kahit ilang sentimos.

Walang kamalay-malay mundo nila'y wala ng buhay, sinikap makaraos kahit hirap at naghihikahos, ang tanong sa sarili paano kaya sila makakaraos? Kung ang kagaya nila ay ulila ng lubos.

Minsan sila ay tulala at tila maraming iniisip, pagnakikita ko sila hindi maiwasang mapaisip. Pagkatao nya ay hindi na makilala, dahil napalitan na ang kanyang ala-ala.

Walang pakialam sa sakit ng katawan! palaboy-laboy sa daan yan ang tangi nyang alam, walang kapaguran kahit nasa gitna pa ng ulan at initan. Patuloy lang sa pag-laboy kahit walang patutunguhan, Naghahanap ng masisilungan sa pagal niyang katawan.

Tanong ko tuloy sa sarili, anu kaya ang kanilang pakiramdam?kanino lalapit para sa kanilang mga panga-ngailangan, Sino pa ang tutulong kapag iginupo na sila ng karamdaman? Paano ba natin matutulungan, silang mga kinalimutan ng ating Lipunan!

Maraming Salamat sa Pagbasa!

Steemitly yours

cradle



DQmNo7mW5tUTL97aFGdguqkmBGkUq4uGkNrmgCxBcdrwKsy_1680x8400.png

Please like teardrops@teardrops on Facebook and Twitter:

https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens
DQmWnCKh3cwNs3pYUWJfRKS4yEgLk4bCVUL2vY4SsQxNFXA.png
DQme842YQ8AXsskyFzJhrfZ5VvjzHDz5DYu47iJsSuvMHRd_1680x8400.jpeg

Support and Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful.
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
If you want surpassinggoogle@surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT
Join us in Steemit Philippines | Steemph discord channel at https://discord.gg/2UghxdN
Join us in discord STEEMSCHOOLS https://discord.gg/8CRS4j4

20180509_130541.gif


IMG_20180503_114106.jpg

Silang Kinalimutan - (Taong Grasa) | Ecency