Kaklase - (Classmates), Making Poetry @Ulog 11

cradle(49)
Published in
#ulogs
Words
276
Reading
2 min
Listen
Play
8y

"KAKLASE"


classroom-15593__480.jpg

https://pixabay.com

Aking pang naalala mga panahon noong tayo'y nasa paaralan pa, Magmula sa pagpapatala hanggang makaraos sa eskwela.
Sa ating pangkat ikaw lang talaga ang nakakaalam, Kung ano ang kaparehong pakiramdam ng ating karanasan.

Natatandaan nyo pa ba mga araw na pinagsaluhan?
Mga kulitan, biruan maging kilig sa napupusuan.
Minsan ay napapa-isip, natatawa, sa mga bagay na ating pinagsamahan, Dahil ang lahat ng ito ay tayo lamang ang nakaka-alam.

Sa inyong lahat ay walang nakakalamang, Ang bawat isa ay may kanya-kanyang katangian.
Sa lahat ng hirap na ating pinagdaanan, Ito ang ilan sa mga kwento na bumabalik sa isipan.

Kayo'y nakatatak na sa aking puso't isipan, magbago man ang ating mundo, Hindi ko kayo makakalimutan.
Ngayon ay matatanda na't may kanya-kanya ng pamilya, Walang ibang bukambibig kundi kamusta na!

Sa ating pangkat, kayo ang naging matalik kong kaibigan.
Kaya wag sanang maglaho ang masayang pagkakaibigan,
Hiling ko lang ay wag sana kayong makalimot sa ating pinang-galingan,
Na minsan tayo'y nagkasama, "KAKLASE" sa loob ng silid aralan.

Naaalala nyo pa ba ang inyong naging mga kaklase?

Maraming Salamat sa Pagbasa!


Steemitly yours

cradle



DQmNo7mW5tUTL97aFGdguqkmBGkUq4uGkNrmgCxBcdrwKsy_1680x8400.png

Please like teardrops@teardrops on Facebook and Twitter:

https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens

DQme842YQ8AXsskyFzJhrfZ5VvjzHDz5DYu47iJsSuvMHRd_1680x8400.jpeg

Support and Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful.
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
If you want surpassinggoogle@surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT
Join us in Steemit Philippines | Steemph discord channel at https://discord.gg/2UghxdN
Join us in discord STEEMSCHOOLS https://discord.gg/8CRS4j4



cradle ulog.gif
IMG_20180503_114106.jpg