RE: RE: Question Of The Weekend: Your Latest Obsession | QOTW Last Week's Winner Announcement
You are viewing a single comment's thread from:

RE: Question Of The Weekend: Your Latest Obsession | QOTW Last Week's Winner Announcement

Words
302
Reading
2 min
Listen
Play
3y

Hahahaha So timely! last night lang nasabihan ako ni hubby na "nao-obsess ka na sa pag gawa ng baon ng anak mo" kasi naman Sabado pa lang naglalatag na ako ng meal plan na baon ng anak ko para sa next week at bago nag umpisa yung taon nag promise ko less processed foods ang papabaon ko sakanya, less din yung mga nabibiling biscuits sa grocery, so ayun kinakarer ng lola nyu gumising ng madaling araw para gumawa ng sandwich, waffles or kahit anung homebake na pwede nya madala sa school. Sa ulam naman gumawa na ako ng homemade nuggets, cordon bleu, burger patty para sa burger steak at kung anu anu na lang, nakakapagod pero masaya naman.

Kakadeliver lang ng waffle at sandwich maker, pati na din yung sandwich wax paper at tapes hahahah may donut maker pang naka add to cart and take note di tayo nagamit ng instant waffle mix, talagang sukat sukat ng harina at baking powder sa umaga at melt ng butter kasi nga gusto ko nahihirapan ako lol syempre everyday ko din mina myday un #Baonserye 🤣

Ang dami kong bento at baon ideas na sini-share ko sa newsfeed ko at naka ONLY ME lang kasi baka maflood yung mga fb friends ko hahahaha,

Naiisipan ko na nga gawin negosyo e, Baonserye tapos pickup na lang sa bahay ng mga nanay na walang time mag prep ng baon ng anak nila.

Sa ngayon sipag na sipag pa ako pero baka lang di ko mapanindigan at sa kalagitnaan ng taon e magbaon na sya ng fudgee bar at sky flakes hahahah

Sa haba ng nitype ko, nagselect all na ako at naiisipan ko na gawing blog na lang at wag na comment dito. bwahahah

Thanks for the tag marse romeskie@romeskie! kayo chichi18@chichi18 at zehn34@zehn34 saan kayo obsess?

@cindee08: Hahahaha So timely! | Ecency