Word Poetry Challenge #10 : "Pangarap"

Words
138
Reading
1 min
8y
Listen to this post
~1 min

FB_IMG_1530848628134.jpg

Pinaghusayab natin ang ating pagsisikap, upang makamtan minimithing pangarap. Ibinurdang pangarap ating hinanaphanap, sa kabila ng lahat ng ating paghihirap.

Dahil kahit kailan pag-asa'y nabubuhay, na sa huli, bagong buhay nag-aantay. Sumubok humakbang sa diwa ng buhay, tahasang naglakbay agos naging gabay.

Kaagapay na tunay ating kaibigan, ito'y walang iba kundi ang paninindigan. Makakamit kaya munti nating pangarap? Kung sa araw-araw luha ang siyang libangan.

Iyan ang kaagapay pagkat iyon ang dahilan, kung bakit lagi tayong lumalaban. Naghirap, sumubok, nadapa, bumangon, umiyak, tumawa peru ang lahat ay ating makakaya.

Sa isang pangarap natin makikita, kung saan ang ating patutungohan. Nagsimula sa mahirap, hanggang pangarap nalang ba ang lahat

Sinubukang kumayod para sa pangarap na makakamit.

Maraming salamat po!!!
Ito po yung second entry ko sana nagustohan niyo po. Salamat sa pag basa

Thank you!!!
Follow and resteemed
chrismadcboy2016@chrismadcboy2016

Word Poetry Challenge #10 : "Pangarap" | Ecency