Hello!Ang sarap naman talagang pagmasdan ang luntiang kulay na nakakalamig sa ating mata at sa ating isipan.
Walang lugar ang may ganitong paligid kundi ang probinsya lamang.
Pero ang ibang mga tao ay matayug ang mga pangarap hindi kuntento sa buhay na mayroon sa probinsya kaya sila ay nakipagsapalaran sa ibang lugar o bansa.
Kaya ako ay kontento na sa buhay masaya ako kasama ang aking mga mahal sa buhay ang aking pamilya. Anu pa ba ang karangyaan nang buhay kung hindi ka naman masaya?
Para sa akin kahit na maghirap kami hindi ko talaga iiwan ang pamilya ko dahil walang katumbas ang kaligayahan at kasiyahan pag kasama ko ang aking pamilya.