"NGITI"
Tila mga butuin na kumikislap,
Iyong ngiti na sadyang mailap,
Pagmasdan ka'y nagdudulot ng saya,
Di lamang sa akin kundi' para din sa iba.
Giliw kung ikaw ay may problema,
Dinadaing na sakit o kahit ano pa,
Ngitian mo lang iyan o sinta,
Tiyak ito'y maglalaho ng parang bula.
Iyong ngipin na tila perlas sa karagatan,
Mga labing kulay rosas kaysarap pagmasdan,
Ngiti mong ubod ng tamis,
Ika'y walang kapantay,walang kapares!
Sana dinggin mo ang aking pagsamo,
Ngiti mo ay sana di na maglaho,
Sapagkat ikaw ay tila sinag ng araw,
Dasal ko sa Maykapal habang buhay kang matanaw.