Oiii! Sakto may naisip ako bigla! Ang naalala kong Bible verse para sa Linggong ito ay mula sa Matthew 11:28-30! Siyempre nakita ko kasi may naibahagi akong FB post last year tas lumitaw sa FB Memories. E yung page na yun may bagong mga pinost shempre. E di tiningnan ko and boom! Nakita ko yang verse na yan! Hahaha.
28 Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.
29 Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at may mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.
30 Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.
Sa totoo lang may nasulat na rin akong medyo ganito nung nakalipas na taon. Kaya masasabi ko nga, eto ay Part 1 pa lamang. 😁
Ganito kasi yorn... 😆 Shempre lahat tayo may mabigat na pinagdadaanan pagka ano di ba? Di naman palagian pero di talaga maiiwasan nangyayari yung nasasaktan tayo ng sobra. E sa akin nangyari ito mga isang dekada na nakalipas ano po. Yung talagang ang sakit sa kalooban ko di na halos nakakatulog, hagulgol sa gabi magdamag. Ganern! Tipong isang buwan na di pa rin tumitigel? Ano di naubos luha? Hahahaha... (Sa totoo lang di ko na maalala kung isang buwan nga ba o ano. 😆)
Triny ko lang kung magiging epektib kasi lahat na ginawa ko walang nangyayari, di pa rin nawawala yung sakit. Yung tipong parang mababaliw na ako kung di pa matigil yung sakit na nararamdaman ko sa puso at isipan. (cheret, ang drama ko talaga noon eh. hahaha.) Pero dahil sa ginawa ko nga, ay wow, ayun epektib nga tlga! ♥ Glory to God in the highest. E nagsimba pa nga ako dahil dun sa paghihirap na yun kahit di naman na ako palasimba noon.
In short, sobrang gumaan nga talaga, nawala ung paghihirap at sakit ng kalooban/damdamin ko, atbp. E di ko naman alam gawin yan kung di ko lang naalala bigla yung kanta ni Basil Valdez (Lift Up Your Hands) na may Bible verse na yan. 😅
Di ko akalain pero parang kinabukasan lang yata pagkatapos ko magsimba at sabihin sa Panginoon na kunin Niya na yung sakit at bigat na pasan ko. Kasi di ko na nga talaga kakayanin nun. Ayun himala nga po, kinabukasan parang, uy wow. Ano, parang walang nangyari, ganun ganun lang? Parang di naghirap ng maraming araw at gabi biglang okay na ako? Sobrang nakakamangha po talaga ang Diyos! Mahal na mahal tayo at sobrang maawain.
Siyempre di pa rin po ako nagbalikloob noon kahit isang himala ang ipinagkaloob ng Diyos sa akin. Lord patawad na tlga. haha. Sobrang walang muwang talaga ako dati tungkol sa pagiging tunay na Katoliko na sumusunod talaga sa mga Utos ng Panginoon. Tsaka isang beses ko lang ginawa yun di ko na inulit until 2023 na. 😂
Ganyan kasi tayong mga Pinoy, panay Katoliko sa pangalan lamang (o maligamgam), di naman isinasabuhay ang mga aral ni Kristo. Kaya ayun, nahahatak sa mga kung saan-saang sekta di kasi inaaral mga turo ni Lord at di rin kinakausap o nagtatanong sa mga pari. Hahaha. Pero ako e nahatak naman sa occult tsaka halu-halo na rin ng Feng Shui/Hinduism/Buddhism, etc. Naku talaga naman lalo ko lang pinalala buhay ko. 😂
Eniwei... nasulat ko na 'yang tungkol sa pagiging maligamgam, relihiyoso at di relihiyoso dito: Are You a Lukewarm, Hot or Cold Catholic / Christian? Pakibasa na lang po yan para di masyado humaba ito. Hehehe.
Ang Part 2 nyan as I mentioned sa ibang posts ko, shempre last year ko lang nalaman. Maganda kapag nasa state of grace na tayo palagi saka natin gagawin yung pangalawang bahagi. Diyan na papasok yung tinatawag sa Ingles na "Offer it up."
Ibig sabihin, ialay mo sa Panginoon ang iyong mga paghihirap at sakit ng damdamin, atbp., para sa kapakanan ng ibang tao. Halimbawa:
O di ba, ibibigay mo na nga lang sa Diyos di mo pa sasabihin kung para saan? 😅 E ganyan ginawa ko noon pero natuto na nga ako nung 2023. (Level up din tayo pag may time. Haha.) Lagyan din natin ng dahilan o intensyon kung bakit natin inaalay kay Hesus.
Para saan natin iaalay sa Diyos ang pagdurusang dumarating at nararanasan natin sa buhay? In no particular order:
Kung gusto nyo basahin ang buong detalye kung paano ba yan e pakibasa na lang po yung sinulat ko last year. Puro Ingles nga lang yun ano po. Haha. Basahin nyo mga ito para di na humaba masyado ito. 😁 Tatlo pa nga nasulat ko aba naman. Hahaha.
Ayan. Sana naliwanagan rin kayo sa ibinahagi kong pagninilay. Wag po nating sayangin mga hirap at sakit na nararanasan natin sa buhay. Bigyan mo ng silbi, makakatulong ka pa sa iba na nangangailangan, matutuwa pa Diyos sa'yo lalo kung sincere ka sa pag-aalay.
Si Ms. Nova Villa (artista yan!) nga eh nawala yung pagkalulong sa bisyo ng paninigarilyo. San ka pa di ba? Ayaw mo pa rin sa Diyos? Hahaha. Kanya-kanyang himala lang po yan depende sa estado ng kaluluwa natin at relasyon natin sa Panginoon.
And I thank you. Bow. 😁
Nawa'y makatulong itong sinulat ko para sa lahat ng mga may kailangan nito. God bless to all!
Nasubukan nyo na ba gawin ito? Kamusta naman ano nangyari? Kung sakaling di nyo pa nagagawa ito pwede pa rin naman gawin kahit nakalipas na ang paghihirap nyo. Ang mga naranasan nyo dati pwede nyo pa ring ialay. Ganern lang po. Pwede rin gawin araw-araw kayo na bahala mag-usap ng Panginoon. ♥️🙏
XOXO,
@artgirl