Chapter 3
Maagang nagising si Berto. Pang apat na araw ng walang tubig inamoy niya ang kanyang sarili amoy mapangheng kambing na siya pero para sa kanya normal pa ang amoy niyang yun.
Humarap siya sa salamin at nag-alis ng muta. Tinitigan niya ang kanyang mukha at hinaplos ito. Ramdam niya ang bako dahil sa mga pimples niya nung siya ay nagbibinata palamang.
Manilaw nilaw ang malalaki niyang mala rabbit na ngipin.
Bahagya niya rin kinamot ang kanyang mga galis sa braso na tinatawag niyang rashes 🙄.
Lumabas siya ng bahay upang mag-agahan bago magsimula ng trabaho at dun nakita niya si Gina na nakaabang sa kanya.
"Berto my love"
sabay halik sa bibig niyang walang sipilyo! Di alintana ang sangsang ng kanya hininga baliw na baliw na talaga ang dalaga.
"ANO BA GINA ANG AGA AGA"
"BERTO MAKITA LANG KITA KUMPLETO NA ANG ARAW KO PLEASE WAG MO NAMAN AKONG IPAGTABUYAN"
"GINA Nilinaw ko na sayong wala akong nararamdaman para sayo. Hindi pa akong handa na ibigay ang puso ko sana maintindihan mo"
Muling yumakap si Gina kay Berto. Wapakels kahit pa nakakasulasok na amoy nito.
" Handa akong magantay Berto hanggang maging handa kang tanggapin ang pagibig ko"
Itutuloy....