Sa bawat oras mahal na ika'y wala
Parang ako'y isang naglalahong bula
Mga ala-ala natin na kay tamis,
Simbilis ng hangin kung ito'y umalis.
Puso ko'y dumaranas ng sobrang sakit
Iniwanan nang dalamhati't pighati
Tanong ko sayo mahal, Ba't nagkaganun?
Bakit iniwanan lang ng ganun-ganon?
Isipan mo ba ay nagkauntog-untog?
O' pagmamahal mo'y sa iba inihandog?
Dinggin mo sana itong aking hinaing
Na sana'y pagbigyan ang aking hiling
Masasaang araw sana'y maibalik,
Pagkat' puso ko sayo'y sabik na sabik
Dinggin mo sana ang aking hiling
Na sana'y ikaw sa akin ay magbalik.
Thanks for Reading
Salamat sa Pagbasa
Photocredit: ichef.bbci.co.uk
aclenx