Unang Larawang Ilalahok
''Ang batang balot''
Habang ako’y nag aantay ng masasakyan pauwi, nakakuha ng atensyon ko ang batang ito. Siya ay nagbebenta ng ballot at inaayos niya ang kanyang kalan na gagamitin sa pagpainit ng balot. Ito ay kuha sa labas ng Robinson’s Place Tacloban gamit ang aking Telephono na Starmobile Playmax.
Ikalawang Larawang Ilalahok
''Maglalakbay''
Ang ikalawang larawan na ito ay kuha naman sa tabing dagat noong nagfamily bonding kami.
Ang larawang ito ay simple lang, ngunit makikita mo sa awra ng paligid na ito ay nagpapahiwatig ng matiwasay na pamama-alam at isang panibagong simula. Kuha ito gamit ang isa kung telepono na SKK Chronos Ace.
Ikatlong Larawang Ilalahok
''Obra maestra''
Itong larawan naman ay kuha noong nasa Batangas pa ako. Mapapansin na ang larawang ito ay madilim, ngunit ito ay may kadahilanan. ‘’ Tingnan mo sa ibang angulo’’, o di kaya kung gamit mo ay laptop, bahagya mong i-angat sa parte nang keyboard. I-angat mo ito ng papahilis.
Tingnan mo ulit ang larawan, may nakikita kabang kakaiba? Nakita mo ba? … kay gandang pagmasdan kung nasunod mo ang gusto kung ipahiwatig.