Word Poetry Challenge #12 : "KALAYAAN"

Words
115
Reading
1 min
Listen
Play
8y

philippines_flag.jpg
Image Source

"KALAYAAN"



KALAYAAN
Ang tanging sigaw ng bawat Pilipino
Tanong nila,
Nakalaya nga ba tayo?
Kay daming pinagdaanang pagsubok
Tumayo at hindi sumuko
Ngayo'y nagtatanong,
Kalayaan ba'y totoong nakamit ko?

KALAYAAN
Oo nga't tayo'y nakalaya sa dayuhan
Ngunit alipin naman sa sariling Bayan
Kapwa Pilipino ika'y yuyurakan
Nasaan ang Kalayaan?

KALAYAAN
Ay kayang makamit ng walang dahas
Basta't magka-isa ang lahat
Tuwid na pamumuno ay dapat isa-batas
Mapayapang pagbabago ay ating makakamtan
Katarungan, katotohanan at kalayaan.



Ang post na ito ay aking unang entry sa patimpalak ni jassennessaj@jassennessaj na may temang "Kalayaan". Ito ay isang patimpalak na may layong lumikha o sumulat ng isang tula gamit ang salitang Tagalog.
Maraming salamat sayo jassennessaj@jassennessaj.


DQmZigP4Np5NLVmNR1N3zbpfgfEHkTXRQiGNmh589wMKauD.gif

aboutart_.png

Word Poetry Challenge #12 : "KALAYAAN" | Ecency