Ang tulang ito ay alay ko sa lahat ng pilipino steemians na may dinaramdam..
Ako'y naglalakad sa daan
Di alam ang patutunguhan
Inabot ng malakas na patak ng ulan
Ngunit patuloy sa paghakbang ng ito'y d namamalayan.
Ano ngaba itong dalang kabiguan?
At ang aking puso'y nananangis ng lubusan.
Asan ka ngaba mahal bakit ako'y iyong pinabayaan?
Ako ngaba'y sadyang kinalimutan?
Sa paglipas ng oras, ako'y nabasa na ng tuluyan
Sinisigaw ng puso ang iyong pangalan.
Subalit luha, pawis at ulan ang siyang namataan
Ng pusong dala'y kabiguan sa ilalim ng ulan.