Word Poetry Challenge #18: “Tamang Panahon” | Entry #2

91483BE4-3B58-413C-BE08-E3F35BFE1B67.jpeg

Araw araw lalo akong nagsusumikap
Darating ang panahon ikaw rin ay aking mayayakap
Paglayo sayo’y malungkot at mahirap
Pagkat ikaw ang lagi kong hinahanap

Inay, sa bawat araw ay hinahanap kita
Masakit sapagkat wala akong matawag na ina
Sa aking isipan ikaw ay kinakamusta
Dalangin ko na sana'y laging okay ka

Anak, ilang taon na nuong ako’y lumisan
Ngunit walang oras na di ka naalala ni minsan
Bawat pagtulog ikaw ang aking nasa isipan
Mahirap, masakit man ngunit ito’y aking lalabanan

Kailan ko kaya kayo makikita ?
Sa simpleng larawan kayo ay aking nakilala
Isang gabi, ako na lamang ay naluluha
Nagtatanong kung mahal mo nga ba ako talaga?

Masakit pagkat ako’y nagaasikaso ng ibang bata
Samantalang ikaw ay pinapaaruga sa iba
Bawat sahod ko labis na lang ang aking tuwa
Pagkat mayroon na naman akong ipapadalang pera

Inay, pagmamahal mo ang kailangan ko
Presensya mo hinahanap na sana’y andito
Kamay mo sana’y humaplos sa aking ulo
Sa mga oras na tila madilim ang aking mundo

Tanging dalangin ko sana’y ako’y maintindihan
Huwag sanang humantong na ako’y kalimutan
Anak ko, ikaw ang liwanag sa madilim kong karimlan
Ikaw ang nagsisilbing lakas ng aking kaluoban

Paglaki ko’y di mo nasasaksihan
Lumipas ang marami kong kaarawan
Dinadasal sa Diyos na sana’y ako’y iyong mapuntahan
Upang makita ka na at mukha mo’y mahalikan

Anak, ito ang pinakamatinding hamon,
Ngunit lumipas man ang napakaraming taon
Alam ko, darating din ang tamang pagkakataon
Ang pagkikita natin sa tamang panahon

Sana ako’y dinggin ng Panginoon
Na sana’y araw araw bigyan ka nya ng proteksyon
Pagkat Inay, darating din ang tamang pagkakataon
Ang makapiling ka sa tamang panahon

Pinagkuhanan ng Imahe

0C5F8BB9-5FC2-417C-9F65-9D6FEE4813BC.png

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
11 Comments
Ecency