Word Poetry Challenge #15 : “Pagbabalik”

49863C62-D6B5-4FAC-A702-F13C69F22FA3.jpeg

Minahal kita kahit alam ko’y di tama
Hinayaan kong magustuhan ka kahit mayroon kang iba
Umaasa pa rin ako na sana maging tayong dalawa
Dinggin sana ang pusong matagal na nangungulila

Sinabi ko sayo ang aking nararamdaman
Di akalain, ako na rin pala’y iyong nagugustuhan
Sa twing kausap ka, labis ang aking kasiyahan
Di ko alam kung bakit at di ko maintindihan

Araw, linggo at buwan ang dumaraan
Pagibig mo sa aki’y aking napapatunayan
Ngunit paano natin ito sisimulan
Kung mayroon kang kabiyak sa kasalukuyan

Hanggang kailan tayo magiging ganito?
Para akong nanglilimos ng pagibig na inaasam ko
Sa twing di mo sya kausap, ako ang sumasalo
Ganun na lang ba ako kadesperado?

Isa lang ang aking napatunayan
Mahal kita at yun ang kailangan kong ipaglaban
Maghihintay ako kahit ito’y masakit man,
Kahit alam kong ito’y walang kasiguraduhan

Kaya’t nagpasya ka na ako’y iyong iwan
Yun ang tama kaya’t ikaw ay aking hinayaan
Araw-gabi ikaw ang laman ng aking isipan
At tanging pagbabalik mo ang dalangin at sana’y pakinggan

Lumipas ang mga araw na wala ka
Nakakalungkot ngunit naramdaman ko ulit ang magisa
Nakakatakot ngunit ayokong maibaling sa iba
Ang labis na pangungulila ng puso kong nagdurusa

Hangga’t isang araw, mayroon akong nakita
Isang babae na tila binigyan ako muli ng pagasa
Pigilan man ang kasiyahang nadarama
Ngunit sa aking mga mata ito ay nakikita

Naging makulay muli ang aking mundo
Naramdaman muli ang pagtibok ng aking puso
Sa ngayon, alam kong hindi na ako malilito
Pagkat ito na ang panahong pinakahihintay ko

Sa gabing maliwanag at tahimik,
Di mapigilan, dumampi sayo ang aking mga halik
Pagkat magpapaalam na ako sa aking pananabik
At yayakapin kita sa iyong pagbabalik

Pinagkuhanan ng Imahe

Salamat po sa pagbasa.

0F402F25-6B1F-46B3-9A4F-D45C3476B91A.png

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
9 Comments
Ecency