Si tatay ko ang haligi ng tahanan Si nanay naman ng katuwang ni tatay Itinaguyod ang buhay ng pamilya Mahirap pero masayang tunay at matibay
Bilang ako ang anak ba panganay
Ako ay may tungkulin nakalaan Noon sa panahon ng kamosmosan Mga kapatid ko ay aking inaalagaan Pagmamahal sa kanila ko inilaan
Katayuan ng pamilya namin ay di biro Sinusukat ng pagsubok at pagkabigo Ngunit di kami sumusuko Lumaban kami hanggang sa dulo
Isang pagkakabigo sa buhay namin Dalawang bahay ay tinupok ng apoy Pangatlo ay basag sa lindol Pasalamat kami walang buhay Na nawala at nasangkot
Kay tulin dumaan mga araw Ako'y maagang nawalay Nag asawa,naging alila ng banyaga Tatlo sa kapatid ko nagtatagumpay Bunga sa sakripisyo inialay
Maraming salamat @jassennessaj bilang.may akda sa paligsaan na ito.