This content was deleted by the author. You can see it from Blockchain History logs.

My First Ulog : Pahingi po ng Kausap :(

Umaga mga kapwa ko Steemians. Di ko kayo mabati ng Magandang Umaga dahil di ko masabing maganda ang umaga ko. Nagising nanaman akong umiiyak. Isang Linggo na din siguro akong umiiyak sa umaga. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam ang dahilan kung san nang gagaling tong lungkot na nararamdaman ko. Pati ako naguguluhan kung bakit may lungkot akong nadarama. Ewan ko hays :( Sarili ko mismo hindi ko maintindihan. Kasi kung titignan ko ang kalagayan ko ngayon parang wala naman akong pwedeng maging dahilan kung bakit ako nalulungkot ng ganito. Hindi kami magkaaway ng asawa ko, wala naman syang ginagawang masama na pwedeng ikasama ng loob ko. Ang anak ko naman ay maganda ang kalusugan at lumalaking bibo at masigla. Ang mga magulang at mga kapatid ko ay mabubuti din naman ang buhay. Kung sa pera at pagkain naman masasabi kong okay naman, nakakakain kami tatlong beses sa isang araw, sapat para mabuhay. Hindi ko mahanap ang dahilan ng kalungkutan na nadarama ko. Siguro kailangan ko lang talaga ng kausap.

Kung kilala mo ko at makasalubong mo ko sa labas. Pwede mo ba akong yakapin at ibulong sakin na "Okay lang She, Okay ka".

P.S
Dahil di ko maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari sakin nag selfie ako lol.
IMG_3002.jpg

@ahna8911 @twotripleow Sorry kung di ko kayo nabalikan sa discord kagabi. Nagmumuni muni ako e haha! nakakapraning pala yung kaditey anek? Usap tayo mayang gabi! wag na tampo mwa!
Salamat mga kaibigan sa pagbabasa :)

DQmQC1Pj8f97Kpgp1YgkCBGyNWVkNkEq6LHaRuch99DiDgi.gif