NAHIHIYA AKO

Marami siguro ang nagtataka kung bakit ganun na lang ang sipag ko ipursige ang RevGov. Bayani na ako? Bayadni ba ako? Ang totoo ay nahihiya lang ako.

Nahihiya ako kapag naiisip ko na may isang tao na sa edad na 72 parang walang kapaguran na kinakalabaw ang sarili sa pagtrabaho para sa kapakanan ng lahat ng Pilipino.

Nahihiya ako dahil sa mga Pilipino na walang awa na ang isip ay nakakaraos naman siya at nakakagawa naman ng maayos kahit matitindi ang mga kalaban sa kanya at sobrang bigat at dami ng problema, bakit pa ika tutulungan.

Nahihiya ako dahil sa mga Pilipino na imbes na isipin kung papaano tulungan ang kawawang matanda ay sasakyan pa siya para matulungan lang nila ang sarili nila Baka magkagulo lang daw at punahin tayo ng mga dayuhan.

Nahihiya ako dahil sa mga Pilipinong walang konsiderasyon na imbes na magpasalamat na may matandang halos kuba na sa kakaisip at pagbuwis buhay kung papaano mapapaganda ang buhay nila ay pagkakaitan siya ng tulong dahil sa pinagdududahan pa nila.

Nahihiya ako dahil sa mga Pilipinong halos may gatas pa sa labi at wala pa namang halos nararating sa buhay ay pakiwari nila ay marunong pa sila sa hindi na halos mabilang ang nagawa.

Nahihiya ako dahil sa mga taong saksakan ng yabang at makasarili dahil lang sa dami ng pera nila na kung makapuna at manlait ay akala mo kung ano na ang naitulong st kapwa at bayan nila.

Kaya ako makiki-isa bukas sa hihingi ng RevGov. Dahil sa ayaw kong maisip na katulad ko din sila. Ayaw ko nang mahiya. Gusto kong maging malaya na taas noong masabi na nung may tumayo na bayani na lumaban para sa bayan ay nasa likod niya ako.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now