Sabi nga nila umaaraw, umuulan ngunit paano nalang kung palaging ulan ang iyong nadadaanan? Magiging matatag ka ba at lalaban o magpapadaig sa agos ng problema at maglulukmok sa kabiguan?
"Maganda sa Maynila! Maraming oportunidad na trabaho hindi tulad dito sa probinsya na tayo ay magsasaka lamang!"
Ayan ang laging bentahe ng mga taong nanggaling sa Maynila at iyan din ang pumasok sa isipan ng musmos na si Ron na noo'y labing isang taong gulang pa lamang. Inipon niya ang kaniyang sahod sa koprahan at ng may sapat na siyang pera ay nagpaalam siya sa kaniyang mga magulang na siya ay luluwas din at makikipagsapalaran.
Nanaig ang pag-aalala nila para kay Ron, ngunit naintindihan naman nila na kailangan talaga niya itong gawin para sa pamilya. Panganay si Ron at siya na lamang inaasahan sa bahay, ang kaniyang ama ay hindi na makakapagtrabaho ng mahusay dahil sa pinsalang dulot ng dinamita noong bata pa sila. Maliban sa pagsasaka ay pangingisda din ang kanilang ikinabubuhay at sa di inaasahang pagkakataon natamaan ang kanyang ama at nadisgrasya.
Medyo napanatag naman ang kanilang kalooban dahil ang kaniyang magiging amo ay ang kaniyang Tito Allan at nangako ito na aalagaan ang bata. Puno ng pag-asa ang bata ng dumating siya sa Maynila, inisip na niya ang mga gagawin at kung magkano ang kaniyang maiipon at maipapadalang pera pantulong sa kaniyang mga magulang.
Nagtrabaho si Ron sa isang malaking tindahan ng kaniyang tiyuhin, dito siya ay ang taga buhat ng mga panindang hollow blocks at semento.
Ilang minuto pa ang lumipas at napansin ng kaniyang Tito Allan na wala ang bata at wala din ang perang kanyang dapat ay makukuha. Sa galit nito ay tumawag siya sa mga pulis at dali-daling ipinahanap ang bata, at hindi naglaon ay nahuli ang musmos na tangan-tangan parin ang bungkos ng salapi na kaniyang ninakaw sa kaha.
Nakulong siya sa salang pang-uumit, at walang nagtanggol kahit isa sa kaniya. Maging ang asawa ng tiyo Ron niya ay galit din sa kaniya dahil sa salang kanyang nagawa.
Ang kaniyang mga pangarap na makatulong sa kaniyang magulang, makapag-aral at maging matagumpay ay nawala na ng tuluyan. Ito ay kaniyang naalala habang hinihimas ang mga bakal ng munti niyang kulungan.