This content was deleted by the author. You can see it from Blockchain History logs.

Literaturang Filipino: Akala mo lang

download.jpg

Bakit kapag gwapo ay kamahal mahal? At kapag panget ay kapalit palit? Yan ang mga laging tanong sa karamihan. Ngayon, bigyan natin ng oras ang pagbasa sa kakaibang storya nato.

Isang araw sa isang prestihiyusong unibersidad sa Cebu. Si Kiko ay nagdala ng tsokolate at bulaklak dahil liligawan niya si Eula. Nang nakalapit na siya ni Eula ay tinawanan lang siya ni Eula at mga kasamahan pa nito. Di raw type ni Eula kasi ang panget at badoy mamorma si Kiko. Umalis nalang si Kiko sabay tapon sa gilid ang mga dala niya. Pumunta siya sa wishing fountain at humiling na sana mapansin siya ng mga babae dahil naniniwala siya na may himala raw sa fountain na iyon. Pagkatapos, umuwi siya dala ang sakit na nadarama niya at nagmumukmok siya sa kanyang apartment na tinirahan niya.

Dalawang Linggo ang nakalipas. Hindi pa rin pumasok si Kiko sa eskwelahan dahil sa nangyari. Isang araw, may kumatok sa pintuan niya. Pagbukas niya ay nakita niya ang dalawang magagandang babae at nagyaya sa kanya na mamasyal sa mall para daw mawala ang masalimoot na natamo niya kay Eula. Hindi nagdadalawang isip si Kiko at lumabas siya at namasyal kasama ang dalawang babae na si Cindy at Wona.

Mula noon, si Kiko ay pumasok muli siya sa eskwelahan na kasama si Cindy at Wona na nakagapos sa magkabilang braso niya. Lahat na estudyante sa campus ay nakatingin ni Kiko at mukhang nagtataka sa pagbabalik niya. Sinabihan siya ni Cindy na naiinggit ang mga kalalakihan sa kanya dahil sa magagandang babae na kasama niya. Napangiti lang si Kiko nang nagkatakbo sila ni Eula na mula paa hanggang ulo ang pagtitig ni Eula sa kanya.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso silang tatlo sa wishing fountain. Todo ang pasasalamat ni Kiko dahil nagkahimala raw. Umuwi na sila tatlo at papasok na sana si Kiko subalit hinila siya ni Cindy at bigla siyang hinalikan sa labi at pagkatapos nuon ay tumakbo si Cindy ng palayo.

Alas dose na ng gabi. Mayroong kumakatok sa bintana at pagbukas pa ni Kiko ay nakita niya si Wona. Pinapasok niya ito sa loob dahik naglayas raw ito. At sa gabing iyon, ay umamin si Wona na may gusto siya ni Kiko at ayon may nangyari talaga sa kanilang dalawa sa oras na iyon.

Kinabukasan, pagkagising ni Kiko ay wala na si Wona sa tabi niya. Mga ilang oras ay may kumakatok sa pintuan at nang buksan niya ito. Nakita niya ang kanyang inay na umiiyak na kasama ang kanyang ama. Hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari. Hanggang may lumapit na dalawang lalaki na nakaputi sa kanya at ginapos siya ng mahigpit at pinasok siya sa isang sasakyan.

Pinasok si Kiko sa Mental Hospital dahil napag alaman ng Director sa unibersidad na may ibang kinikilos si Kiko noong pagpasok niya muli sa eskwelahan. Hindi lang isa, kundi marami ang nakakita na nagsasalita at tumatawa na mag-isa si Kiko sa loob ng _campus at sa labas. Ayon sa psychiatrist na nagkaroon ng Multiple Personality Disorder o Dissociative Personality Disorder si Kiko dahil sa labis na depression at anxiety na naranasan ni Kiko.

Dyan nagtatapos ang storya po at maraming salamat sa pagbasa ng kuwento na sinulat ko po at maraming salamat sa patimpalak. 😊

PatimpalakLiteraturang Filipino
TemaHimala
PamagatAkala mo lang
Akda@jenel
Pasasalamat kay@steemph.cebu @sndbox @dynamicsteemians at sa mga kaklase ko nga steemians

GODBLESS STEEMIANS 😊


Logo
Center