This content was deleted by the author. You can see it from Blockchain History logs.

Ang Ulirang Ina ng Pamilya ko

2018_0417_18035700.jpg

Ano nga ba ang sasabihin ko? ang pagmamahal na salita ay napaka eksi na salita pero napakalawak ng nais ipahiwatig, ang tanging hiling ko lang ay dito ka lang sa aking piling, alagaan ang ating mga anak at mag sama ng masaya at matiwasay, salamat sapagkat nandiyan ka nagbibigay kulay sa aming buhay.

Madalas man may sumpung ka, mahal pa din kita, nais ko lang na makuha mo ang mga gusto mo sa buhay kaya andito ako laging naka suporta saiyo. Saan ka man mag punta susunod ako sayo at hihigpitan ko pa ang kapit ko sa hirap at saya andito ako sa likod mo upang ipakita ang pag mamahal ko.

19.jpg

Tayo man ay pinag layo noon, naniniwala ako na ang nakatadhana ay itinakda na mag sama, Maraming salamat mahal ko, marami pa tayo pag dadaanan bilang mag asawa, kaya ako'y nag papasalamat sa panginoon at sa tuwina ay nandiyan ka. Salamat sa pag gabay sa ating pamilya at sa ating mga anak, hindi matatawaran ang pag mamahal na iyong nilalaan para sa amin.

25.jpg

Hanga ako saiyo dahil matigas ang ulo mo, matigas ang ulo mo sa mga pangarap mo, pag gusto mo makuha ang isang bagay na nais mo makamit hinding hindi ka titigil hanggat hindi ito napapa saiyo, isang tapang na tunay kong hinangaan, kaya manindigan sa mga pangarap mama andito ako para saiyo at susuportahan kita bilang asawa mo. Mahal na mahal kita at ang ating munting Pamilya.

Hinding hindi matatapos ang pasaslamat ko sa pag dating mo sa buhay ko Maraming salamat, tayo ay manalig sa panginoon upang mas mapag tibay ang ating pamilya. Ito ang sekreto ng isang buong pamilya, hindi man natin nakuha sa ating mga magulang ngunit naniniwala ako na tayo ang mag tutuloy ng pamilya na walang hanggan, Salamat mahal na mahal kita mama ko.

24.jpg