This content was deleted by the author. You can see it from Blockchain History logs.

Nagamit ka ba ng vetsin? | Tagalog Language Prompt Entry


Healthy Food Special Ingredients Instagram Post.png


Intro


Ang MSG, o mas kilala na vetsin dito sa Pilipinas, ay ginagamit bilang pampalasa sa mga pagkain. Sakto naman na naubusan kami ng aking paboritong vegan seasoning kaya naman minarapat kong bumili ng MSG sa grocery store.

At para sagutin ang katanungan sa ating prompt para sa araw na ito: wala namang ginamit na animal products at hindi gumamit ng hayop sa proseso ng pag gawa nito kaya naman ginagamit ko rin ito bilang pampalasa sa pagluluto.


Vegetarian Pancit



Green Collage Healthy Food Instagram Post.png

Wala naman akong masyadong isyu sa pag gamit ng vetsin kaya minarapat ko na lang ibahagi ang tampok na #vegetarian food na niluto ko ngayong linggo. Ang vegetarian pancit. Simple lang ang sahot nito: carrots, tokwa, kabute, vegan sausages, Baguio beans (long green beans), at repolyo.

Masarap at malasa, ang vegetarian pancit na ito ay napasarap ng mushroom seasoning (hindi vetsin. LOL), asin, paminta, at vegan patis.

Marami kaming niluto kaya umabot ito hanggang kinabukasan nang initin ko ang natira at ipinalaman sa tinapay habang humihigop ng mainit na kape.


Merienda


Nakahiligan na rin talaga nating mga Pilipino ang kumain. Umaga, tanghali, at gabi ay parang hindi tayo nabubusog. Isama pa natin ang merienda at mabilis talagang bibigat ang ating timbang. Para sa merienda ay dumaan lang kami sa convenience store na malapit at bumili ng K-Style Plant-based Chicken Burger. Ang Korean-style burger na ito ay gumamit ng UnMeat at nagkakahalaga ng 95 pesos ($US1.63 sa kasalukuyang palitan). Hindi na masama dahil nakakabusog at na-enjoy naman namin ang pagkain na ito.


Food Menu Photo Collage (Instagram Post).png

Nagkataon din na suot ni misis ang kanyang I Love Korea na damit kaya naman naging magandang pagkakataon ito para makuhan siya ng litrato kasama ang veggie burger na ito.


Pangwakas


Dahil sa pagkain ang tema ng ating prompt para sa araw na ito ay ilalagay ko na rin ang aking nininom na choco-flavored cold drink na ito mula sa Big Brew. 39 pesos lang ($US0.67 sa palitan ngayon) ang malaking order. Hindi ito ang pinakamasarap na natikman ko ngunit tamang-tama ang lamig dahil sa nakakapagod at nakakauhaw ang mamalengke.


438159155_2042147842848537_1075955769978776874_n.jpg

O, siya. Hanggang dito na lang. Maraming salamat sa oras. Nawa'y nag-enjoy ka sa pagbabasa ng maiksing blog post na ito.

Hanggang sa muli.

@juanvegetarian


*Aside from the templates and images from the Canva website, I own all the photos used in this post. If you are interested, here are the templates used: Canva template-1, Canva template-2, and Canva template-3.