Kulay Abong Alapaap (Tula)

IMG_20210618_091928.jpg

Makulumlim, maulap
Kulay abong alapaap, aking nahahagilap.
Maya't maya, naramdaman ko
Hipo ng malamig na hangin sa aki'y dumarapo,
Ito'y dulot ng hanging amihan
Na nagmumula sa hilagang-silangan.

Pagkatuwa ng kalooban
At sabik, aking naramdaman
Kay sarap damhin
Malamig na simoy ng hangin
Kaligayaha'y umaapaw
Tuwing panahon ng tagginaw.

Sa tanawi'y nahahagilap
Kintab ng berdeng kumukutitap.
Umuugoy ang mga dahon
Tuwing hangin ay umaalon,
Na tila ba isang persona
Na inihahayag ang tuwa.

Sumabay naman rito,
Tinig ng mga insecto.
Bumirit din ang mga ibon
Habang nagsiliparan sa ulap nang maglaon.
Ramdam ko ang kanilang katuwaan,
Dahil sa pagwagayway ng kanilang pakpak, ito'y aking namamatyagan.

--

Magandang araw mga kapwa hive bloggers! Salamat po sa pagbabasa, sana po nakapagbigay kaaliwan ito sainyo. Enjoy your day!

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Ecency