Musika ng Buhay. 'Always Changing'


Isang araw na naman na puno ng walang kapanatagan dahil sa mga balitang naririnig sa paligid-ligid at sa mga karanasan habang tayo ay namumuhay sa panahon ng pandemya. Di matapos tapos na alalahanin.

IMG_20220115_123050.jpg

Ngunit kailangan lumaban. Panahon para patuloy pa rin sa pangarap na sana bukas ay giginhawa din. Minsan, sumasagi sa aking isipan na paano kung isusuko ko na lang? Ngunit hindi ko matiis at iwaglit ang takot at mga pangamba. May mas mahalaga pa kesa sa sumuko na lang.

Kasabay ng pagharap sa bukas ang pagbabago. Subukan mong balikan ang mga kahapon ang tingnan ang kung ikaw ay nasaan. Pansin mo ba na may pagbabagong nagaganap? Minsan hindi ko ko mararamdaman ang mga iyon. Edad lang ata ang dumadagdag kada taon at yun ang sigurado. Sabagay, kahit sa edad na nadagdag taun-taon isa itong malaking biyaya. Habang may buhay, ito ay malaking biyaya. Kung minsan masasabi mo, wala namang pinagbago. Ganito at ganyan ka pa rin. Ang kinatatayuan ay pareha pa rin nung araw. Ano nga ba ang nagbago? 'Yan ang pagkakaisipin mo habang makinig sa awit ng aking hatid sa araw na ito.

Pagbabago ay hindi maiiwasan, ito ay sabayan. Tara at ating pakinggan.
Source:

Always Changing
by Fearless Soul Music + Rachel Schroeder

Ako ay palaging nagbabago
Sinuman ako sa kahapon sa ngayon ay wala na
Yapos kung sino ako ngayon
Binitawan ang mga dati bago dumating ang bukang-liwayway

Bitbit lamang ang mga kailangan
Iwanan ang mga masalimoot na alaala
Nang mamulat ng lahat
Mapapaet na kahapon ay hindi pwedeng dalhin

Sa lahat ng sandali, araw-araw
Ang mag desisyon ay parati
Kung papaano mamuhay, kung ano ang gustuhin

Ako ay palaging nagbabago
Sinuman ako sa kahapon ay ngayon ay wala na
Yapos kung sino ako ngayon
Binitawan ang mga dati bago dumating ang bukang-liwayway

Sa panahong ako ay nakaurong
Tanong kung ano ang gagawin ngayon,
Hindi ang magtanong ng mga bakit
Hindi pwedeng panaigin mga takot sa paglalakbay
At patawarin ang sarili kung nag-iisip ng walang kahalagahan

Sa lahat ng sandali, araw-araw
Ang mag desisyon ay parati
Kung papaano mamuhay, kung ano ang gustuhin

Ako ay palaging nagbabago
Sinuman ako sa kahapon sa ngayon ay wala na
Yapos kung sino ako ngayon
Binitawan ang mga dati bago dumating ang bukang-liwayway

Hindi ko alam kung ano ang bukas
Hanggang ilang taon mamumuhay
Ang tanging alam ay kung anong meron sa ngayon
Ang magsaya dulot ng pag-ibig sa paligid

Ako ay palaging nagbabago
Sinuman ako sa kahapon sa ngayon ay wala na
Yapos kung sino ako ngayon
Binitawan ang mga dati bago dumating ang bukang-liwayway

1637814361231.gif

Magandang araw sa lahat, ako ay patuloy sa aking adhikain dito sa pahina ng #tagalogtrail. Ang magsulat sa sariling wika dito sa hive world. Halika na at magbahagi ng iyong akda gamit ang ating wika.

Paalam sa ngayon.Hanggang sa muling awit ulit. Bye:)

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
4 Comments
Ecency