MGA PANALANGIN : ISANG KATAGA

image
Image source

Ipanalangin mo lang na ako yung lalaking ihaharap mo sa altar,
Na ako yung isasama mo sa bawat masasayang araw ng buhay mo.
Na gigisingin kita bawa umaga sabay yakap at halik sa iyong noo,
Na parang lahat ay ng panalangin nagkakatotoo.

Ipanalangin mo lang na mayroon tayong dalawa o tatlong mga supling,
Na ang maykapal tinutupad ang lahat ng ating bawat hiling.
Ipapasyal natin sila sa magagandang mga lugar,
Na parang ang lahat ay hindi totoong totoo.

Ipanalangin mo lang na sabay nating lalakbayin ang buong mundo,
At bawat lugar ay kukuhanan natin nang litrato.
Na sabay tayong maglalakad sa dikit dikit na mga puno,
Kung saan ang naririnig lang natin ay pintig nang ating mga nagmamahal na puso.

Ipanalangin na lang na sabay tayong kumakain sa paborito nating kainan,
Habang tayo lamang ang tumatawa at naglalambingan.
At ang iba inggit na inggit dahil sia ay walang kasintahan,
Habang tayo puno parin ang ating pagmamahalan.

Ngunit iisipin ko rin ang katotohanan,
Na isa parin akong lalaking umaasa sa kawalan.
Na lahat nang nasasabi ay kathang isip lamang,
Ngunit sa ngayon ang tanging laman nang aking dasal ay ikaw at ikaw lamang.

Please follow and support our very own @surpassinggoogle and @teardrops. VOTE @steemgigs as your witness!

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now