Buwan: Isang Maikling Tula para sa Iyo.

chumob.photo.blender1508709261078_20180607145402645.jpg

Isa kang buwan na nagbibigay liwanag,
na kay sarap tingnan,
kay sarap pagmasdan.

Ngunit kailanma'y di ka malalapitan,
dahil tila ba'y ako'y isang lupa lamang
na di ka kayang abutin.

Kaya heto ako,
hinihintay ang iyong pagdating,
dahil sa pamamagitan nito,
para ka na ring kasama.

Ako'y nasisiyahang panoorin ang iyong pagkinang sa kalawakan.
At kasabay na rin ang ngiti mong
mala-diyamante sa kintab.

Wag ka lang sakin mawawalay,
sapagkat ang puso ko'y
unti-unti ring maghihiwalay.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now