"Pangarap na Hindi Mahawakan"
Bakit ang pangarap hindi mahawakan?
Nagpunta kung saan-saan
Hinahanap ang kapalarang nakalaan.
Umaasa na ang lubid ay di bitin.
Awit ng pag-asa di kayang awitin
Unti-unti nang nawawala sa akin.
Kung di mo alam kung saan paroroon?
Sa katanungan walang maitugon
"Kailan kaya ako magkakaroon?"
Di alam kung nasaan ang tamang daan.
Mailap na pangarap kailan mahahawakan?
Tanikala na kaya ang kapalaran?
ā