Luha ng Bayan (Malayang Taludturan)


twxslnewkk.jpg

"Luha ng Bayan"


Mga luhang tumutulo ng walang tigil;
langit na nagdilim sa kalungkutan...
saan aagos ang tubig ng buhay;
matatanggal pa ba ang kalawang sa bakal?
Saan nagpunta ang kalayaan;
saan patutungo ang ating bayan?
Mga luhang tumutulo na walang tigil;
langit na nadilim sa kalungkutan...
Mga binhing di lumaki sa lupang tinubuan.
Mga punong di kilala ang salat na bukid;
mga ibon na ang dila'y banyaga.
Saan na patutungo ang ating bayan?
Kailan kaya hihinto ang paglisan?
Kailan kaya babalik ang ibon sa pugad?
Mga luhang tumutulo ng walang tigil;
langit na nagdilim sa kalungkutan...

ā€”

decorative-2773445_1280.png

Image Taken From Pixabay [1]

decorative-2773446_1280.png

footer chadrona.jpg


Feel free to #follow #upvote #resteem #comment

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
1 Comment
Ecency