Ang sandaling nakita ka...

Words
130
Reading
1 min
Listen
Play
8y

IMG_20180501_231310.jpg

Ang araw na 'to ay ka'y saya,
sapagkat mga kaibigan ko'y nagyaya

na kumain sa isang kainan,
pero ikaw pala'y makikita ko nang di inaasahan.

Pagkatapos namin kumain,
bumaba na't pero kami muna'y nagpahangin

Ako't kaibigan ko, sandaling nakatayo,
ngunit nang makita kita sa malayo.

Ako'y nagulat at napangiti,
ng unti-unti.

Ako rin ay iyong nginitian,
at tayo'y nagkabatian.

"Ayoko na munang umalis dito",
ang sabi ng isip kong ito.

Ngunit, wala akong nagawa,
pero ako pa rin ay nakaramdam ng tuwa.

At hanggang ngayon, akin pa rin itong iniisip,
at baka mapasama na rin sa aking panaginip.

Ang oras na yun ay ka'y sarap alalahanin,
ang saya rin paulit-ulitin.

Hello po mga ka-Steemit! Sana po ay nagustuhan nyo ang ginawa ko pong ito. Thank you so much po! :)

Ang sandaling nakita ka... | Ecency