" B A Y A N I H A N "

iyam(44)
Published in
#tula
Words
115
Reading
1 min
Listen
Play
9y

Uso pa ba sa ngayon ang bayanihan?

Nandiyan pa ba sa atin ang pagtutulungan?

Sa mga probinsiya ko lang ngayon nakikita,

Ang bayanihan sa kanila ay mahalaga.

Ang pagtulong sa kapwa ay kaiga-igaya,

Kay sarap sa damdamin, at kay ligaya.

Sana nga sa lahat ng dako ay lumaganap,

Presensiya sa pagtulong, ay lagi ng maganap.

Huwag ipagkait ang tulong na galing sa puso,

Dahil magandang halimbawa ang maibibigay mo,

Ang gawain sa mga matatanda, ay dapat na tularan,

Maging matulungin sana ang lahat ng mga kabataan.

Upang hindi na mawala ang mga nakagawian,

Palaging isipin, at gawin ang pagbabayanihan.


source

Sana magustuhan nyo
Salamat sa pagbasa
Please Follow iyam@iyam
Upvote!
Comment
Resteem!

Love, iyam 💕

" B A Y A N I H A N " | Ecency